Mitolohiya


Ang mitolohiya ay isang halos magkakabit-kabit na kumpol ng mga tradisyonal na kuwento o mito (Ingles: myth), mga kwento na binubuo ng isang partikular na relihiyon o paniniwala. Karaniwang tinatalakay ng mga kwentong mito ang mga diyos at nagbibigay ng mga paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan. Halimbawa na ang kung paano nagkaroon ng hangin o mga karagatan. May kaugnayan ang mitolohiya sa alamat at kwentong-bayan

Ang isa sa mga sikat na mitolohiya ay ang mitolohiya ng mga Griyego o ang tinatawag na mitolohiyang Griyego. Ilan sa mga sikat na tauhan sa mitolohiya ng mga Griyego ay ang mga diyos na sina Zeus, Aphrodite, Athena, at iba pa.




ANG MITOLOHIYA BUKOD SA MITOLOHIYANG PILIPINO


Mitolohiyang Etruskano

 

Ang

mitolohiyang Etruskano

ay tumutukoy sa mitolohiya ng mga diyos at diyosa ng kabihasnang Etruskano, mga taong hindi nalalaman ang pinagmulan at namuhay sa Hilagang Italya. Mayroong sariling pananampalataya ang mga taong ito. Sa pagiging kasanib ng mga Etruskano sa ilalim ng Imperyo ng Roma, karamihan sa mga paniniwala, kaugalian, at mga sinasambang diyus-diyosan ng mga taong ito ang naging bahagi ng kulturang Romano at napabilang sa Romanong panteon. Naniniwala ang mga Etruskanong ipinahayag sa kanila ang kanilang relihiyon sa pamamagitan ng mga sinaunang sir (binabaybay na

seer

sa Ingles), o mga taong klerboyante o may kakayahang maglakbay-diwa

Kabilang sa mga diyos at bayani ng mga Etruskano sina Tinia, Uni, Menrva, Apulu, Artumes, at Hercle. Naririto ang katumbas ng mga ito sa Griyego at Romano



Etruskano
 Griyego
Romano
Tinia, Tina           
Zeus Hupiter (Jupiter)
Uni Hera Huno (Juno)
Menrva Atena                 Minerva
Apulu  Apollo Apollo
Artumes Artemis Diana
Hercle Herakles Herkules (Hercules)